Saturday, June 17, 2006

ang kulit ng katabi ko. gusto pa-correct yung grammar nung BLOG niya. e di naman kailangan kasi may kasabihang "it's the thought that counts," sa Ingles. Nevertheless ang kulit nya.

Good luck sa akin. Kailangan ko ng himala. Ang dami kasing ginagawa. Kaso ang hirap isiksik sa limitadong oras. Wala pa akong sapat na tulog na kahit pagdating ko kahapon sa bahay ay lagpak na kaagad ako sa higaan. Nag-sleep walk pa nga ako. Di ko namalayan nasa 4th floor na ako... dun na ako nagising kahit sa ikatlong palapag ako nakatulog. Ang kulit...

Pero masaya pa rin. The more people you know, the merrier. May mga bago akong kaibigan ngayon. Ayos din sila. Siyempre, nandiyan pa rin yung old friends. Basta yun, sana tuloy-tuloy na ang ligaya.

Ayoko munang mag-isip gaano ng problema. Pero ang totoo, hindi maiiwasan na darating iyang mga problemang iyan. Kaya kailangang maghanda. Ngunit habang isinusulat ko ito, maayos at masaya pa naman. Haaay... miss ko na yung Bora... Bora... Bora...

Gumawa ako ng chart ng difficulty level ng mga subjects so far. Yung iba wala pa dito, pero update ko pag na-meet ko na lahat. 5 stars being the hardest, 1 star being the easiest.

ETHICS: **** (dami daw readings)
LABOR RELATIONS: ***** (asa pa, DJ prof dito)
OPERATIONS MANAGEMENT: ***** (matrabaho, painstaking)
OBLIGATIONS AND CONTRACTS: ***** (fear the unknown)
PRINCIPLES OF FINANCE: **** (sana madali)
MARRIAGE: ***.5 (assignments, assignments, assignments)
PRACTICUM: * (tapos na eh)
THESIS: **** (kaya ng group namin to)

in the end, I wish for two C's: Clarity and then Chance

Nevertheless, the ennui continues at 4:04 AM

Profile

who are you? dare to say?

Links

link 1 link 2 link 3 link 4

credits: iseekrepulsion

INCOMING!

insert your tagbox here.